MASASABING karma ang pagsasampa ng kasong drug trafficking kay dating justice secretary at ngayon ay Senator Leila de Lima.
Ang drug trafficking ay isang non-bailable offense, ibig sabihin ay mananatili siya sa kulungan habang dinidinig ng korte ang kanyang kaso.
Ang pagpapahirap na ginawa ni De Lima kay dating Presidente Gloria Macapagal-Arroyo ay umpisa nang bumabalik sa kanya.
Si De Lima ang may pakana ng pagsasampa ng kasong plunder kay Gloria dahil diumano sa iligal na disbursement ng P365 million na intelligence funds ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).
Walang ebidensiya na si Gloria ay personal na nakinabang sa malaking perang ninakaw sa gobiyerno.
Alam ni Noynoy at De Lima, ang kanyang pinakamatalinong adviser, na kung ano man ang nakinabang ay ang esposo ni Gloria na si Mike Arroyo dahil ang PCSO general manager noon ay si Rosario Uriarte na tuta ni Mike.
Alam ni Noynoy at De Lima na si Mike Arroyo ay hindi puwedeng sampahan ng plunder dahil walang ebidensiya laban sa kanya at siya’y hindi government official.
Alam din nina Noynoy at De Lima na sina Mike at Gloria ay hindi na magkasundo at ang mga ginagawang kalokohan ni Mike ay lingid sa kaalaman ni Gloria.
Kaya’t kung walang ebidensiya laban kay Mike, mas lalo na kay Gloria dahil hindi niya napagkakatiwalaang tauhan si Uriarte.
Pero kailangang maisampa ang kasong plunder kay Gloria sa Office of the Ombudsman at pagkatapos sa Sandiganbayan ng mga ibang tao—sina party-list Congressmen Neri Colmenares at Teddy Casino dahil kailangang mapaghigantihan ni Noynoy si Gloria.
Alam ninyo, ang akala ni Noynoy—mali man o tama—ay si Gloria ang nag-utos sa Department of Agrarian Reform na ipamahagi ang Hacienda Luisita sa mga kasama nito.
Ang Hacienda Luisita ay pag-aari ng mga angkan ni Noynoy na Cojuangco at Aquino.
Habang hinaharap ni Gloria ang kasong plunder sa Sandiganbayan ay nagpetisyon siya sa Supreme Court na payagan siyang makaalis upang magpagamot sa ibang bansa.
Pinayagan si Gloria ng Mataas na Hukuman na makapunta sa ibang bansa upang magamot.
Alam ba ninyo ang nangyari?
Hindi ginalang ni De Lima ang kautusan ng Supreme Court!
Siya yata ang kauna-unahang abogado at government official na lumapastangan sa Korte Suprema.
Malinaw na sumusunod lang si De Lima sa kanyang among si Noynoy upang maging impiyerno ang buhay ni Gloria.
Ngayon, sinisigaw ni De Lima na ang pagsasampa ng kasong drug trafficking sa kanya ay dahil pinaghihigantihan siya ng Duterte administration.
Pero hindi ba paghihiganti rin ni P-Noy ang pagkakakulong kay Gloria?
Sa mga darating na linggo o buwan, maaaring may magsasampa ng kasong plunder kay Noynoy dahil sa kanyang utos na i-release ang milyon-milyong Disbursement Acceleration Program (DAP) na dineklarang unconstitutional ng Supreme Court.
Baka itong sina Noynoy at De Lima ay ma-confine sa iisang ospital—di ba may tinatawag na hospital arrest?—habang dinidinig ang kani-kanilang mga kaso.
Tawagin mong karma o poetic justice, pero kung ano ang ginawa mo sa iyong kapwa ay gagawin din sa iyo pagdating ng araw.
***
Ang isang Army battalion—mga 500 hanggang 800 sundalo—ay dagdag puwersa sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).
Ang mga sundalo ay tutulong sa PDEA sa mga raids ng mga drug dens o pagawaan ng shabu.
Hindi gagamitin ang mga sundalo sa pagsalvage ng mga drug traffickers o pushers, ani PDEA Director General Sid Lapena.
Sinabi rin ni Gen. Ed Ano, chief of staff ng Armed Forces of the Philippines (AFP), na hindi sasali sa pagsasalvage ang mga sundalo.
Pero dapat ay gamitin ang ilang elite units ng militar sa pagsalvage sa mga pulis na sangkot sa kidnapping, protektor ng sindikato ng droga, sindikato ng hired assassins, carnapping at ibang heinous crimes.
Hindi titino ang Philippine National Police (PNP) kapag di nalalagasan ito ng mga pulis na sukdulan na ang pang-aabuso sa mga mamamayan.
De Lima kinarma na
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...