Xian marami pang nadiskubre kay Kim sa Mt.Pinatubo: Hubad ang lahat ng meron ka roon!

xian lim
IDINETALYE ni Xian Lim ang pagse-celebrate nila ni Kim Chiu ng Valentine’s Day sa Mt. Pinatubo. Aniya, matagal na nilang gustong umakyat ng bundok ni Kim.
“Wala kasi kaming makasabay ni Kim umakyat. Hindi namin alam kung ano ang unang hakbang na gagawin. So, I tried na mag-search sa Google ng ‘hiking’ or ‘Akyat ng Bundok sa Pilipinas,’ maraming ganoon. Hanggang sa may nakontak na ako,” umpisa ni Xian.
May organization or agency daw talaga na nagtu-tour paakyat ng bundok. Pero sila lang ni Kim ang celebrity kasama ng mga professional hikers.
Sa Capas, Tarlac ang meeting place at madaling araw sila nagsimulang umakyat, natapos sila at 5 in the afternoon. Bago umuwi ay niyaya niya si Kim sa Pampanga para “magbanlaw” sa isang wakeboarding resort doon.
“Puro alikabok kasi kami, puro lahar pagbaba namin. Two hours kaming naglakad paakyat ng bundok. Sabi ni Kim punasan ko raw ng tuwalya para hindi kumapit sa balat. E, hindi, magiging putik nga. Kaya nagpahulog na lang  kami sa Pampanga para basang-basa kami,” lahad ni Xian.
Bukod sa pag-akyat sa bundok, nabigay na rin ni Xian kay Kim ang isa pa niyang Valentine gift na bike.
“Alam mo, ang laking fulfillment noon kasi two hours kang naglakad na paakyat. Nakakapagod talaga. Tapos meron pang alikabok. Pero hindi mo marararamdaman ‘yun kasi magkasama kayo,” sabay ngiti ni Xian.
Sa pag-akyat nila ni Kim sa bundok nagkaroon siya ng realization na kahit gaano karaming pera ng isang tao o kahit wala kang pera o kung gaano ka man kasikat ngayon, mawawala lahat ang mga ‘yan.
“Hubad lahat ng meron ka. Hubad lahat ng ego mo doon. Walang arti-artista doon. Talagang it will make you a real human talaga. Kasi siyempre, kapag nasa limelight, iba rin po kasi. Hindi maiiwasan na iba ang tingin ng tao, iba ang treatment ng tao. Parang ang saya lang ng experience na ‘yun,” esplika niya.
Dahil sa experience nila ni Kim last V-day, feeling niya mas naging close sila sa isa’t isa.
“Sa lahat ng escapades namin palagi kaming may natututunan na bago sa isa’t isa. ‘Yun nga, hindi ko alam na kaya pala niyang umakyat ng bundok. Hindi ko alam na sporty pala siya. Ngayon ko lang nalalaman ‘yun, e. Before ang tingin ko sa kanya fragile, hindi pala,” sabi pa ng binata.
Sa ngayon ay kasama si Xian sa primetime teleserye na A Love To Last ng ABS-CBN. Given a chance, type ni Xian ang mag-host ng isang talent show or game show.
“Marami pa rin akong kakaining bigas and at the same time ‘yung mga nagagawa ko pa lang ngayon parang stepping stone ko pa lang siya to project that can possibly come in the future.
“‘Yun nga po, hosting, sana may game show na pumasok. More project lang po talaga, and all I’m asking for is more projects kasi mahirap po talagang maghintay,” tila may hugot na sabi ni Xian.
Gaya ng ibang artista, dumarating din siya sa point na walang project sa kanyang mother network.  Mabuti na lang daw at palaging busy ang utak niya.
“I get into sports. Meron akong music. I play the piano. We do out of town shows, marami pa pong iba. And I also paint and in a couple of months may exhibit ako,” kwento pa ni Zian.
Sa next movie project niya ay makakasama niya ang sexy star na si Coleen Gacia. Wala pa raw title ang movie at hindi pa niya alam kung sinu-sino ang makakasama nila.
q q q
A few days after ng grandyosong Miss Universe beauty pageant na ginanap dito sa Pilipinas ay ginanap naman ang taunang coronation night ng Bb. Mandaluyong last Feb. 3.
Muli naming nasaksikhan ang bonggang event na ginaganap every year sa bayan na pinamumunuan ni Mayor Menchie Abalos.
Nasorpresa naman ang lahat ng nasa Mandaluyong City Hall na nanood ng Bb. Mandaluyong sa isang trivia kay Mayor Menchie.
Ipinakita kasi sa malaking screen sa stage ang picture ni Mayor nu’ng sumali siya sa Bb. Pilipinas ilang dekada na ang nakararaan. But still, napakaganda and looking younger pa rin ang alkalde sa paglipas ng panahon.
Anyway, tinanghal bilang Bb. Mandaluyong 2017 ang 18-year old na si Daniela Mariz Lamptey na taga-Buayang Bato. Hindi crowd favorite si Daniela nu’ng gabi ng coronation night but she’s confidently beautiful para sa mga naging hurado na pinangunahan ni Miss International 2016 Kylie Verzosa.
Ang 1st Runner-Up ay nakuha ni Ashanti Shaine Ervas ng Hulo, 2nd Runner-Up si Mercegrace Raquel ng Bgy. Malamig, 3rd Runner-Up si Dana Alexa Cada ng Bgy. New Zalniga, samantalang nakopo naman ni Joanne Camille Mercado ng Bgy. Malamig ang 4th Runner-Up.
Miss Mandaluyong  2017 is an annual project of the city government of Mandaluyong through the Liga ng mga Barangay in cooperation with the Kababaihan Kakaiba ng Mandaluyong and sponsored by Bench, Pagoda Phils, Gluta-C, San Miguel, The Legend Villas, Globe, Sir George Salon, EDSA Shangri-La, It Figures, Forever Beautiful at marami pang iba.

Read more...