Ai Ai nominado sa Queens World filmfest sa US

aiai delas alas
JACKPOT na naman si Ai Ai delas Alas ng isang nominasyon sa indie movie niyang “Area.”
Nakatanggap ng balita si Ai kahapon mula kay Ferdinand Lapuz upang ibalitang nominated ang Comedy Queen at director Louie Ignacio sa Queens World Film Festival sa New York City. Magaganap ang festival sa March 14-19, 2017.
“Salamat sa napakagandang balitang ito sa isang Lunes ng maaga…Ang ma nominate sa isang international filmfestival awards ay napakalaking bagay sa akin.
“Congratulations sa aming magaling na director na si director Louie Ignacio… Congrats saten direk…
TO GOD BE THE GLORY…MARAMING SALAMAT LORD SA LAHAT NG BLESSING NA ITO. #queensworldfilnfestival.”
Nakatanggap din ng pagbati si Ai Ai sa anak niyang si Sophie dela Alas dahil sa nominasyong ito.

Read more...