Liza bagong Box-Office Queen; bagong serye ng LizQuen inaabangan na

liza soberano at enrique gil
MUKHANG  may bago na namang Box-Office Queen! Ang tinutukoy namin ay ang napakagandang si Liza Soberano.
As of last Saturday, 5 p.m. ay umabot na sa P100 million ang gross ng pelikula nila ni Enrique Gil na ” My Ex And Whys” under Star Cinema.
Showing pa rin in 300 theaters ang movie ng LizQuen at mukhang magtatagal pa ito sa mga sinehan kaya hindi imposible na umabot pa sa P300 o P500 million ang kikitain nito, isama pa ang hahakutin nitong dolyares sa ibang bansa.
 
Ito na kasi ang bagong trending ng mga kumikitang pelikula ng Star Cinema.
 
Abut-abot naman ang pasasalamat ni Liza sa lahat ng nanood base sa panayam sa kanya ng Cinema One sa isang product launching, “I’m just really overwhelmed. I didn’t expect it.
 
“Actually, hiling lang namin, sana mas mataas lang nang kaunti sa last movie namin, but God gave us even more than that. I just want to thank everyone who watched, especially our solid fans.
 
“Sobrang dami naming gross on the first day. Talagang they put it together just for us. I just wanna say thank you guys so much!” anang dalaga.
 
Inamin din ng aktres na may bago silang project ngayon ni Enrique, “I’m gonna be working with a new soap, ‘yung soap na sinasabi ko na kasama ako sa pilot episode. And then mayroon na rin kaming pitching for upcoming soap, so malapit na kaming magkaroon ng idea about our new serye.”
 
Samantala, kaliwa’t kanan na rin ang block screening para sa “My Ex And Whys tulad mg naganap kahapon at ngayong araw.

Read more...