Maja magaling na aktres pero di kumikita ang mga pelikula

maja salvador at paulo avelino
MASAKIT na ay nakakalungkot pa para kay Maja Salvador ang mga komentong naglalabasan ngayon sa social media. Jinx ang tawag sa kanya ng mga netizens dahil flop sa takilya ang pelikula nila ni Paulo Avelino.
Binabanggit din ng mga nagkokomento ang iba pang mga pelikulang pinagbidahan ng young actress na hindi rin kagandahan ang kinita, first day-last day pa nga raw ang iba, kaya itinuturing siyang jinx ngayon.
Sayang na sayang si Maja Salvador dahil magaling naman siyang umarte, maganda ang young actress, kabog na kabog din niya sa pagsayaw ang kanyang mga kakontemporaryo.
Hindi pa lang siguro dumarating ang tamang proyekto para sa kanya, kailangan pa siguro niyang maghintay, para mapatunayan niya na isa nga siyang Salvador.
May pinagbibidahan siyang serye ngayon sa ABS-CBN, hindi naman siguro siya bibigyan ng ganu’n kagandang project kung hindi siya tinatangkilik, di ba naman?
Ano nga kaya ang bitbit ng dalagang ito at inaalat ang kanyang mga proyekto sa takilya? May mabigat ba siyang bagahe para matawag siyang jinx?
Puhunan na niya ang pagiging Salvador, may talento pa siya, ano pa ba ang kailangan para makalusot ang mga proyekto ni Maja sa takilya?
Sabi ng kaibigan naming propesor, “Maja is pretty, hamak ganda niya naman sa iba niyang kasamahan d’yan. Pero may kulang sa kanya, something is really lacking, parang flat ang appeal niya.”

Read more...