Barangay Ginebra nakapuwersa ng do-or-die Game 7

Laro Ngayon
(Mall of Asia Arena)
7 p.m. TNT KaTropa vs San Miguel Beer

NAKAHIRIT ang Barangay Ginebra Gin Kings ng do-or-die Game 7 matapos gibain ang Star Hotshots, 91-67, sa Game 6 ng kanilang 2017 PBA Philippine Cup best-of-seven semifinals series Linggo ng gabi sa Smart Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City.

Nanguna para sa Gin Kings si Sol Mercado sa itinalang 21 puntos.

Ang Game 7 ay gaganapin alas-7 ng gabi bukas sa Mall of Asia Arena, Pasay City.

Samantala, malalaman ngayon kung sino sa defending champion San Miguel Beermen at TNT KaTropa Texters ang makakapasok sa Finals sa Game 7 ng kanilang semifinals series alas-7 ng gabi sa Mall of Asia Arena.

Nakahirit ang Beermen ng sudden-death na laro matapos tambakan sa Game 6 ang Tropang Texters, 104-88.

Read more...