Biyudo, makapag-aasawa pa ba?

Sumat mula kay Abel ng El Rio, Sibagat, Agusan del Sur
Dear Sir Greenfield,

Magta-tatlong na taon na ng ako ay iwanan ng aking misis kung saan namatay siya sa aksidente sa barko. Kaya sa ngayon nag-iisa na ako sa buhay, pero napagtapos ko na ng pag-aaral ang tatlong anak namin na puro babae, kaya naman dapat lang marahil na ang sarili ko naman ang aking asikasuhin. Gusto kong mag-asawang muli kaya naisipan kong sumangguni sa inyo, itatanong ko lang kung muli kaya akong makapag-aasawa? At kung makapag-aasawa akong muli, sino kaya ang babaing ito at kailan ko makikilala? September 28, 1966 ang birthday ko.
Umaasa,
Abel ng Agusan del Sur
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Matapos magpatihulog pababa ang naunang Mararige Line (Illustration 1. arrow 1.) sa iyong palad, malaya namang umusbong ang ikalawa at mas mahabang Marriage Line (arrow 2.). Ibig sabihin, napakalaki at napaka-ganda ng tsansa na sa ikalawang pagkakataon muli kang makapag-aasawa.
Cartomancy:
Queen of Spades, Queen of Diamonds at King of Diamonds ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing sa sandaling muli kang nakapag-asawa, lalong uunlad ang buhay mo sa aspetong pang-pinansyal, na nangangahulugan ding kung maunlad o mayaman ka na sa ngayon, sa muling pag-aasawa lalo ka pang uunlad at lalo ka pang yayaman.
Itutuloy…

Read more...