Hindi nagbigay ng 13th month pay

MAGANDANG araw sa Aksyon Line. Ako po ay nagtatrabaho sa isang advertising company sa Makati City. May dalawang taon na po ako sa kumpanya pero nito lamang 2016 o noong nakaraang taon ay hindi namin natanggap ang aming 13th month pay.

Ang sabi ng may-ari ay wala raw silang ipambabayad sa aming 13th month pay at sa 1st week of January na lamang daw ibibigay. Pero lumipas ang ipina-ngako nilang araw ay wala namang ibinigay na 13th month pay. Gusto ko lang po sana na itanong sa DOLE kung ano ang dapat naming gawin.

Sayang din po ang 13th month pay na makukuha pambili man lamang ng mga damit ng mga anak ko. Sana ay matulungan ako ng DOLE sa aking katanungan.

Itago ninyo muna ang name na Albert kasi natatakot ako na mapag-initan ng aking boss. Salamat po.
Albert, Makati City

REPLY: Para sa iyong katanungan Albert huwag matakot na isumbong sa DOLE office o ilapit sa Single Entry Approach (SENA) officer ang hindi pagbabayad ng 13th month pay ng iyong employer .

Karapatan mo na ipaglaban ang iyong karapatan at hindi rin maaaring gawing grounds ng iyong employer na tanggalin ka sa trabaho dahil sa iyong isinumbong.

Sakali namang pag -initan ka o tanggalin sa trabaho, panibagong kaso ang maaaring kaharapin ng iyong employer.plaint Officer Step 5 Raffles the case and automatically assigns a case number through electronic raffling to a Labor Arbiter.

May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog97@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.

Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.

Read more...