Blustar tinambakan ng Cignal-San Beda

Mga Laro sa Martes
(JCSGO Gym)
3 p.m.  Blustar vs AMA
5 p.m.  Batangas vs Wangs
Team Standings: Racal (5-0); Cignal (4-1); Café France (4-1); AMA (4-2); Tanduay (3-2); JRU (2-3); Batangas (1-4); Wangs (1-4); Victoria (1-4); Blustar (0-4)

BUMANGON ang Cignal-San Beda Hawkeyes mula sa masagwang panimula para itala ang tambakan pagwawagi kontra Blustar Detergent Dragons, 109-79, at masungkit ang ikaapat na diretsong panalo sa 2017 PBA D-League Aspirants’ Cup kahapon sa Ynares Sports Arena, Pasig City.

Nagtala si Robert Bolick ng 15 puntos para pangunahan ang Cignal-San Beda na umakyat sa 4-1 kartada at nakisalo sa ikalawang puwesto kasama ang Café France Bakers.

Nag-ambag si Byron Villarias ng 15 puntos habang si Davon Potts ay nagdagdag ng 13 puntos para sa Hawkeyes.

Pinamunuan ni Tristan Perez ang wala pang panalo na Blustar (0-4) sa ginawang 29 puntos habang si Jason Melano ay kumamada ng 15 puntos.

Sa unang laro, nakuha ng Victoria Sports-MLQU ang kanilang unang panalo matapos gulatin ang Jose Rizal University, 76-66.

Kumana si Robbie Herndon ng 22 puntos habang si Aris Dionisio ay gumawa ng 20 puntos para sa Victoria Sports.

Read more...