Charo type makatrabaho sina Ate Vi at Juday

CHARO SANTOS

CHARO SANTOS

DOTING lola ang nais itawag ni Charo Santos sa kanya instead of “stage lola” sa dalawa niyang apo na sina Julia at Talia na mga bagong endorsers ng Bench Baby Cologne.

Masayang pinanood ni Charo sina Julia at Talia na rumarampa sa stage katabi ang owner ng Bench na si Ben Chan. Kitang-kita sa mga mata ni Charo how proud she is sa kanyang nga apo.

Hindi naman daw niya in-expect na magiging endorsers ng Bench Baby Cologne ang dalawang bagets, although hilig daw talaga nina Julia at Talia ang pagpa-fashion show. E, kanino pa ba sila magmamana kundi sa kanilang model and former Miss Baron Travel Girl na lola, ‘di ba?

“Enjoy sila, e, kaya ang saya-saya. Nakakabata, oo,” sabi ni Charo.

Wala naman daw siyang ibinigay na advice kina Talia at Juia kung paano rarampa sa stage. Aminado si Charo na talo siya ng kanyang mga apo dahil sa edad nila ngayon naiintindihan na nila ang mundo ng mga celebrity. “Sabi ko lang i-enjoy nila. They’re very innocent, pure, so, yeah, they’re just having fun,” sabi niya sa amin.

Say naman nina Julia at Talia, they love to belong sa Bench family. Same goes sa isa pang endorser ng nasabing baby cologne na si Sebastian Benedict popularly known as Baby Baste.

Last year, Charo made a big movie comeback through Lav Diaz’s “Ang Babaeng Humayo.” According to her, she’s just waiting for the right vehicle. Baka raw this year ay makagawa ulit siya ng isa pang pelikula.

Itinanggi naman ni Charo na may offer sa kanya si Direk Mike de Leon na gumawa ng pelikula kasama ang Star For All Seasons at Lipa Rep. Vilma Santos at si Judy Ann Santos.

Pero kung meron daw she’ll gladly accept the offer and it’s always an honor for her na maidirek ni Mike de Leon. Then, we asked her kung ano ang best memories niya working with Direk Mike, “I’ve learned so much from him, lalo na tungkol sa filmmaking.”

Naitanong naman ng ibang manunulat kay Charo kung sino among Piolo Pascual, Ian Veneracion, John Lloyd Cruz ang gusto niyang maging leading man sa susunod na project na gagawin niya.

“All of the above,” sabay tawa niya. “Mahirap naman ‘yan. Mahirap mamili. Depende kung kanino babagay ‘yung karakter.”

Kinuha rin namin ang reaksyon ni Charo sa pagbigay ng title sa kanya ng iba bilang Meryll Streep of the Philippines, “Ay, huwag naman, Diyos ko! Ha-hahaha! Pero lahat kami nag-a-aspire, ‘di ba, to be a Meryll Streep?”

Napili rin si Charo bilang isa sa top 15 great actresses of all time ng isang glossy magazine, “It’s always an honor to be included in the list, it’s really an honor for me. It’s always humbling,” sambit niya.

Anyway, dahil sa pagiging product endorsers nina Julia at Talia ay iniintriga na agad sila sa celebrity babies na sina Scarlet Snow at Baby Zia.

As we all know, anak nina Dingdong Dantes at Marian Rivera si Zia habang si Scarlet Snow naman ay baby nina Hayden Kho at Vicki Belo. May sarili din kasing baby cologne product ang Belo kung saan sina Zia at Scarlet ang endorsers.

Read more...