Daniel di pabor sa pagpapaseksi ni Kathryn

KATHRYN BERNARDO AT DANIEL PADILLA

KATHRYN BERNARDO AT DANIEL PADILLA

KAHIT nagpo-post ng sexy photo si Kathryn Bernardo sa kanyang social media accounts, hindi naman daw ibig sabihin ay magpapaka-daring na siya sa kanyang mga susunod na projects.

Ilang KathNiel fans kasi ang nagtatanong kung sasabak na rin ba ang dalaga sa pagpapaseksi matapos mag-viral ang mga litrato nila ni Daniel Padilla na kuha sa Boracay kamakailan.

Makikita sa mga nasabing photo na magkasama ang magdyowa kung saan naka-one-piece swimsuit si Kathryn habang yakap ni Daniel sa likuran.

“No, sa ano lang ‘yun, personal vacation pero ‘yung sa onscreen, depende po ‘yun lahat kay Mr. M (Johnny Manahan ng Star Magic) pero kapag sa vacation, oo naman. Lalo na kapag sa beach,” paliwanag ng dalaga nang makorner ng ilang miyembro ng entertainment media sa thanksgiving presscon ng Star Magic kamakailan para sa kanilang 25th anniversary.

Inamin naman ni Daniel na parang siya ang hindi pa ready na magpaka-daring si Kathryn sa mga future projects nito, “Pero darating naman ‘yun. Parang normally, naturally darating ka sa point na gagawin mo na rin ‘yung gano’n dahil gano’n naman talaga. Pangit ‘yung pipilitin mo.”

Kailangan pa bang magpaalam sa kanya si Kathryn kapag tumanggap ito ng mature and sexy roles, “Lagi, lagi ‘yan. Minsan pinag-aawayan pa namin pero siyempre, pinangangalagaan ko lang din naman siya.

Hindi naman sa masyado akong overprotective pero siyempre iniisip din naman natin ‘yung mga iisipin ng mga tao, ‘yung mga fans, siyempre nu’ng mga supporters dahil marami tayong mga batang supporters. Ayaw natin silang mabigla. Gusto natin ‘yung makakasabay pa rin sila sa atin,” pahayag ni DJ.

At nang tanungin kung nag-level up na ang “exclusively dating” status nila, paiwas na sabi ni Daniel, “Obvious na ‘yun. Alam niyo na ‘yun!”

Read more...