Daniel ander, sunud-sunuran sa lahat ng gusto ni Erich

DANIEL MATSUNAGA AT ERICH GONZALES

DANIEL MATSUNAGA AT ERICH GONZALES

MEDYO nakabalanse na ngayon si Daniel Matsunaga sa mga negatibong isyung ibinabato laban sa kanya sa paghihiwalay nila ni Erich Gonzales. Salamat sa kanyang mga kadugo na patuloy na nagdedepensa sa kanya.

Kung minsan nga ay nababaligtad pa ang kuwento, may ibinabalik ding isyu sa dalaga ang mga taong naging malapit sa kanila ni Daniel Matsunaga, ang kamalditahan ni Erich ang ikot ng mga istorya.

Mabuti na rin daw at nakalaya na ang Brapanese actor sa piling ng maangas na young actress, kundi raw siya makikipaghiwalay kay Erich ay walang mangyayari sa buhay niya, dahil ina-under-under lang siya ng malditang aktres.

Sabi ng isang source, “Si Erich, ang feeling kasi niya, e, isa na siyang sikat na artista. Ewan naman kung saan siya humuhugot ng kamalditahan niya, e, wala pa nga siyang napapatunayan!

“Kaya tuloy, kinaiinisan siya ng mga nakakatrabaho niya, maraming kuwentong lumalabas tungkol sa kanya, ‘yun ba ang klase ng girlfriend na gustong makasama nang matagal ni Daniel?” kuwento ng aming source.

Hinihintay na ngayon ng publiko ang sagot ni Erich sa mga rebelasyon ng kapatid ni Daniel Matsunaga.

Umurong na nga ba ang dila ng dalagang aktres?

Read more...