Paulo na-bad trip, may reklamo sa pagpapalabas ng pelikula

maja salvador at paulo avelino

SHOWING na ngayon ang Paulo Avelino-Maja Salvador starrer na “I’m Drunk, I Love You.” Pero may kontrobersya pa itong kinasangkutan.

Nagtatanong si Paulo kung bakit 60 na sinehan lang showing ang “IDILY.” Feeling niya, deserving ang pelikulang maipalabas pa ito sa mas maraming sinehan, huh!

Eh, halata pa ang inis ng aktor nang malamang hindi palabas sa sinehan sa Baguio City ang kanyang pelikula. Sa Baguio lumaki si Paulo at naroon pa rin ang ilan sa kanyang mga kaanak at kaibigan.

Kuwestiyon niya, “Pupunta pa ba sa Manila ang pamilya ko para makapanood?”

Ngayong pinasok na ni Pau ang pagiging producer, kailangan pa niyang matutunan ang ins and outs hindi lang sa gastusin sa production kungdi maging ang distribution ng isang movie, huh! Pasalamat na lang siya’t nataon sa araw ng suweldo ang showing ng movie kahit katapat ang proyekto ng malaking film company, huh!

Read more...