Bato-bato sa langit, tamaan huwag magagalit | Bandera

Bato-bato sa langit, tamaan huwag magagalit

Den Macaranas - February 15, 2017 - 12:10 AM

HINDI muna manonood ng concert sa isang kilalang hotel sa Metro Manila ang isang sikat na opisyal ng pamahalaan.

Ito ay para mapanindigan niya na mali ang mga bintang na wala siyang ginagawa kundi ang maging visible sa mata ng publiko kaugnay sa kanyang umano’y ambisyon na maging senador sa 2019.

Kung dati ay lagi siyang present sa mga public events ngayon ay mas pinili niyang ma-natili muna sa low profile status.

Sinabi ng ating Cricket na somehow ay nakikinig na ang ating bida sa mga payo ng mas senior sa kanya.

Pinayuhan na rin siyang kumuha ng mahusay na PR group pero ilang araw lang ang itinagal ay hindi na naman siya sumusunod sa rekomendasyon ng mga ito.

Dahil idol niya ang pangulo, what you see is what you get ang peg ng bida sa ating kuwento.

Sa pagtatanong ng
ating Cricket sa mga taong malalapit kay Sir ay halos iisa lang ang kanilang sinasabi.

Masyadong nabigla ang ating bida sa matinding atensyon na ibinigay sa kanya ng publiko dahil sa kakatwa niyang style of leadership.

Nag-click ang kanyang pagiging kengkoy na brusko pero nakalimutan niya na ipakita ang kanyang pagiging isang tunay na “officer.”

Isang lider na iginagalang hindi dahil takot sa kanya ang kanyang mga tauhan kundi isang lider na may kakayahang magbigay ng magandang halimbawa sa kanyang kapwa.

Maraming mga importanteng pangyayari na ang kanyang pinalampas na maaari sanang magpatunay sa kanyang kakayahan na pamunuan ng tapat ang kanilang ahensiya.

Hindi na ito maibabalik kaya ngayon ay naghahabol si Sir na ibangon ang kanyang pangalan at liderato sa pamamagitan ng pag-iwas sa mga sosyalan at gimikan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang lider ng isang ahensiya ng pamahalaan na naghahabol ng magandang PR dahil sa kanyang political ambition sa 2019 ay si Mr. R as in Rock.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending