Kris kinansel ang b-day trip sa HK; natakot sa pagsabog ng MTR train 

KRIS AQUINO

KRIS AQUINO

HINDI pala natuloy si Kris Aquino at ang kanyang dalawang anak na sina Joshua at Bimby sa Hong Kong dahil sa naganap na pagsabog doon kamakailan.
Sa HK sana magse-celebrate ng birthday at Valentine’s Day ang mag-iina at nakatakda na sana silang umalis nitong nagdaang weekend pero kinansel na lang niya ito dahil natakot sila sa pagsabog ng MTR train matapos magtangka ang isang lalaki na mamato ng petrol bomb kung saan 11 ang sugatan.
Sa kanyang Instagram account, nag-post ang TV host ng litrato ng isang bungkos ng bulaklak na may caption na: “Seriously awesome birthday floral arrangement from my favorite @boss1020. Thanks Cuz for the unconditional love.
“P.S. We cancelled our trip, got scared of the MTR video we saw (we were supposed to go to HK Disneyland),” sey pa ni Kris.

 

Read more...