Horoscope, February 13, 2017

Para sa may kaarawan ngayon: Ang lahat ng hindi magandang pangyayari ay lilipas din. Maging totoo ka lang sa iyong sarili at dagdag pang dasal at panalangin ang dapat at makikita mo sa buwang ding ito unti-unti ng mahahawi ang kalungkutan upang mapalitan ng malaking ligaya at pag-unlad. Mapalad ang 1, 8, 17, 26, 35, at 44. Mahiwaga mong mantra: “Kebanam-Karam-Aum.” Beige at yellow ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19)—Magiging matagumpay ang larangan ng pag-ibig at romansa, ngunit sa salapi, nganga pa rin! Sa buwan ng ito ng Pebrero hinay-hinay muna sa pagkain ng masasarap, mainam yan para lalo kang sumeksi at mapanatili ang kalusugan. Mapalad ang 6, 18, 22, 27, 34 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Govinda-Keh-Balam.” Green at red ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20)—Habang pabago-bago ang panahon may bahagyang karamdamang mararanasan. Sa pag-ibig, ngayon pa lang palakasin na ang katawan, upang kapag napasabak bukas sa matinding romansa – may itagal ka sa labanan. Mapalad ang 3, 9, 18, 27, 33, 42 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aspera-Astra-Om.” Violet at blue ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21)—Sa pag-ibig, ngayon pa lang paghandaan na ang romansang gagawin sa araw ng bukas. Uwian ang kasuyo ng isang uri ng pagkaing, bilog, nilalagyan ng asin at hinihigop ang sabaw upang lumakas ang kanyang tuhod. Mapalad ang 7, 16, 25, 34, 40 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Om-Raga-Kastha-Om.” Green at yellow ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22)—Sundin ang mungkahi ng kasuyo! Hindi ka dapat na maging magastos. Isa lang ang susi upang yumaman, ang maging masinop sa kabuhayan. Sa pag-ibig may masarap na romansang mararansan sa araw ng bukas. Mapalad ang 4, 13, 22, 31, 37, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Jeva-Nahatha-Om.” Pink at gold ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22)— Sa pinansyal kung hindi ka aalis ng bahay, darating ang mga maniningil. Wag ka kasing utang ng utang kung wala ka namang pambayad. Sa pag-ibig, kung sadyang kinakapos, ang kasuyo na lang muna ang hiraman ng pera. Mapalad ang 4, 13, 19, 28, 37 at 43. Mahiwagwa mong mantra: “Mandala-Dosya-Om.” Yellow at pink ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22)—Kahit nagpatong-patong ang mga gawain, kaya mong matapos ang lahat ng ‘yan. Bilis ang susi upang yumaman. Sa pag-ibig, isa isantabi muna ang mga bagay na may kaugnayan sa emosyon, puro salapi muna ang atupagin. Mapalad ang 5, 14, 25, 38, 33 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Yod-He-Vau-Weh.” Lilac at silver ang buenas.
Libra – (September 23-October 23)—Mas marami kang kikitain kung lagi kang in love at kung laging masigla ang iyong libido. Sa pag-ibig, wag silang intindihin, tama ang nasa isip mo, “kanya-kanya ng taste ‘yan, wala silang paki-alam!” Mapalad ang 9, 18, 27, 36, 43, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Namo-Nhame-Om.” Maroon at blue ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21)— Wag manghinayang sa mga bagay na wala sa iyo, ikalulungkot mo lang yan. Palaguin ang hawak na salapi sa pamamagitan ng negosyong may kaugnayan sa tubig. Sa pag-ibig, kung sino ang kasuyo na ipinagkaloob sa iyo ng tadhana, pagtsagaan siya at makuntento ka na sa kanya. Mapalad ang 5, 14, 23, 32, 34, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Om-Agla-Agla-Aum.” Blue at white ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21)—Sa pag-ibig, patawarin ang kasuyong nagkasala, upang kapag ikaw ang gumawa ng mali, patatawarin ka rin niya. Sa pinansyal, pautangin ang mga nanghihiram upang kapag ikaw naman ang nagipit mayroon kang malalapitan. Mapalad ang 3, 6, 12, 27, 30, at 34. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum.” Green at blue ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19)—Anoman ang problema wag mabubugnot alalahanin mong Valentine’s day na bukas. Kapag lagi kang masaya, mas darami ang pera. Sa pag-ibig, yayain ang kasuyo sa tahimik at malamig na lugar doon kayo mag loving-loving. Mapalad ang 4, 14, 22, 38, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Om-Kedemel-Om-Hagiel.” Lilac at orange ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18)—Wag umasa sa bigla suwerte! Sundin ang tinitibok ng puso! Sa buwang ito ng Pebrero gagabayan ka ng iyong emosyon upang kumita ng malaking halaga. Sa pag-ibig tuloy ang lihim na pakikipag-romansa sa isang Libra. Mapalad ang 8, 16, 24, 33, 42, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Om-Raga-Kashta-Om.” Red at orange ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20)—Kahit ano ang mangyari ugaliing magpasalamat sa Diyos. Ang taong laging nagte-thank you, maraming biyaya ang natatanggap. Sa pag-ibig, mamayang gabi sabihin sa kasuyo, “Salamat Love,” sabay halik sa kanyang labi hanggang sa tuloy-tuloy ng uminit ang hating gabi. Mapalad ang 2, 7, 18, 24, 33 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Agara-Agra-Om.” Maroon at violet ang buenas.

Read more...