Sulat mula kay Grace Anne San Pablo, Magalang, Pampanga
Problema:
1. May boyfriend po ako sa ngayon kaya lang marami siyang girlfriend bukod sa akin. Hindi ko naman magawang makipag-break, kasi siya ang nakauna sa pagkababae ko at sa tuwing may mangyayari sa amin parang pinagsisihan ko pero bago mangyari iyon hindi naman ako makatanggi. Sa isip-isip ko nga sana makarma siya ng madala na siya at magbago.
2. Sir totoo kaya ang karma, kasi nga baka ito ang maging daan para tumino ang BF ko. Kung hindi siya magtitino, binabalak kong makipaghiwalay na sa kanya, kaya lang hindi ko alam kung paano ko ito gagawin, dahil kahit ganon siya mahal ko rin siya at ayaw ko siyang mawala. Ano po ba ang dapat kong gawin, habang buhay ko na lang bang titiisin ang babaero kong boyfriend?
Umaasa,
Grace Anne ng Magalang, Pampanga
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Scorpio (Illustration 2.) ang nagsasabing isang lalaking isinilang sa zodiac sign na Taurus ang makakatuluyan mo, kaya kung hindi Taurus ang kasalukuyan mong nobyo, malabo mo siyang makatuluyan.
Numerology:
Ang birth date mong 13 ay nagsasabing kung hindi mo hihiwalayan ang BF mong playboy, imbis na siya ang makarma, ikaw lalong magdurusa at mahihirapan sa panahong siya ang iyong napangasaswa. Kung baga, imbis na siya ang makarma, ang lahat ng problema at pagluha ay sa iyo mapupunta.
Graphology:
Baguhin mo ang iyong lagda, sobrang liit at halos walang letra. Dahil dito, nawawalan ka tuloy ng will power upang magpakatino at magbago. Kapag lumaki na ang iyong lagda, lalakas na ang iyong loob na kalasan ang playboy mong nobyo.
Huling payo at paalala:
Grace Anne ayon sa iyong kapalaran hindi ang kasalukuyan mong boyfriend ang iyong mapapangasawa, basta ang mahalaga bago ka nya mabuntis ay makipag-break ka na sa kanya. Sa ganyang paraan, kapag break na kayo, isang lalaking isinilang sa zodiac sign na Tuarus ang darating – siya ang ikalawang magiging boyfriend mo at sa bandang huli siya na rin ang iyong mapapangasawa at magbibgay sa iyo ng isang masaya at pang habang buhay na pamilya.
Maraming GF ang BF (2)
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...