NAGSALITA na si Cesar Montano tungkol sa matinding galit sa kanya ng anak na si Diego Loyzaga.
Para sa binata, isang walang kuwentang ama si Buboy.
Sa column ni Dolly Anne Carvajal sa Philippine Daily Inquirer, sinabi ni Cesar na concerned lang siya sa kanyang anak.
“Even if my late dad never pampered me and didn’t buy me material gifts because we were poor, I am still thankful to him. I never lambasted him for the tough life we had. Our struggles made me learn the value of hard work,” pahayag ni Cesar.
Sinabi rin ni Dolly Anne sa kanyang column na tinupad ni Buboy ang isa sa mga wish noon ni Diego na magkaroon ng sariling kotse. Ang nais daw kasi ni Cesar na mangyari ay tapusin muna niya Diego ang kanyang pag-aaral bago pumasok sa showbiz, ngunit hindi ito sinunod ng Kapamilya actor.
MOST READ
LATEST STORIES