Sulat mula kay Grace Anne San Pablo, Magalang, Pampanga
Dear Sir Greenfield,
May boyfriend po ako sa ngayon kaya lang marami siyang girlfriend bukod sa akin. Hindi ko naman magawang makipag-break, kasi siya ang nakauna sa pagkababae ko at sa tuwing may mangyayari sa amin parang pinagsisihan ko pero bago mangyari iyon hindi naman ako makatanggi. Sa isip-isip ko nga sana makarma siya ng madala na siya at magbago. Sir totoo kaya ang karma, kasi nga baka ito ang maging daan para tumino ang BF ko. Kung hindi siya magtitino, binabalak kong makipaghiwalay na sa kanya, kaya lang hindi ko alam kung paano ko ito gagawin, dahil kahit ganon siya mahal ko rin siya at ayaw ko siyang mawala. Ano po ba ang dapat kong gawin, habang buhay ko na lang bang titiisin ang babaero kong boyfriend?
Umaasa,
Grace Anne ng Magalang, Pampanga
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Dalawa ang namataang Marriage Line (Illustration 1 arrow 1. at 2.) sa iyong palad. Tanda na dalawang beses kang iibig at magmamahal at ang ikalawang lalaki ang iyong makakatuluyan.
Cartomancy:
Jack of Spades, Two of Hearts at Jack of Clubs ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing dalawang lalaki ang darating sa iyong buhay, isang playboy at isang matino, ang matino ang iyong makakatuluyan.
Itutuloy…