PSL invitational conference aarangkada sa Marso 4

SISIMULAN ng Philippine Super Liga (PSL) ang kalendaryo sa buong taon kasama ang mga bagong koponan at bago rin na sponsor sa pagsasagawa ng season-opening Invitational Conference sa Marso 4 sa FilOil Flying V Centre, San Juan City.

Binubuo ng mga star players mula Ateneo de Manila University at De La Salle University, inaasahan ang Cocolife na magiging puwersa sa torneo sa una nitong pagsagupa kontra Foton, F2 Logistics, Cignal, Petron at Generika.

Isa pang koponan sa ilalim ng beteranong coach na si Sammy Acaylar ang darating bilang guest team mula Japan na makakasali sa semifinals.

Iprinisinta ni team official Joshua Ylaya ang koponan na binubuo nina Michele Gumabao, Denden Lazaro, Wensh Tiu, Therese Gaston, Erika Alkuino, Mika Esperanza at Rose Vargas. Ang Amerikanong coach na si Airess Padda ng Adamson University ang magsisilbing head coach.

Ang koponan ay kikilalanin bilang Asset Managers kung saan ang komposisyon ay mapipinalisa matapos lamang ang NCAA season.

“This is an attempt to break the barrier between Ateneo and La Salle players,” sabi ni Ylaya, na parte sa koponan ng La Salle na nagwagi ng 2003 UAAP men’s tournament title. “We want to show that even if these players were rivals on the court during their college days, they are still friends off the court and can play together in one team.”

Kasama sa paglulunsad ng koponan sina Cocolife Vice President of Broker Servicing Department Atty. Francis Nob at Cocolife Assistant Vice President for Marketing Christopher Ponce, PSL president Ramon Suzara at PSL chairman Philip Ella Juico.
Sinabi ni Ylaya na gagamitin ng koponan ang asul at berde na kulay ng kompanya upang maipakita ang pagkakaisa sa pagitan ng mga manlalaro sa dalawang unibersidad.

Napag-alaman din na pagbibigay ng buong suporta ng Belo Intensive Whitening sa prestihiyosong semi-professional league sa bansa na tutuntong sa ikalima nitong taon.

Ang Belo ang magsisilbi na title sponsor sa Invitational Conference at Beach Volleyball Challenge Cup.
“Our company and the league are one in promoting the beauty and empowerment of Filipina athletes,” sabi ni Mario Garcia, brand manager for Belo underarm products.“We are both happy and excited over

this partnership. We’re looking forward to the success of this exciting endeavor.”

Read more...