Sisimulan bukas ang pagpapatupad ng P1 dagdag sa minimum fare sa mga pampasaherong jeepney sa Metro Manila, Region III at IV.
Ayon sa Land Transportation Franchising ang Regulatory Board simula 12:01 ng umaga ay P8 pa ang minimum na pasahe.
Paalala ng LTFRB ang pagtataas ay provisional lamang.
“All PUJ operators shall post a Notice of Provisional Fare Increase inside their public utility vehicles that would be conspicuously seen by the riding public,” saad ng LTFRB.
Hindi naman nagbago ang pamasahe sa mga mas malayong biyahe. Saklaw ng minimum fare ang unang apat na kilometrong biyahe.
Ipinaalala ng LTFRB na ang nabanggit na mga rehiyon lamang ang maaaring magtaas ng minimum at hindi ang lahat ng lugar.
Ang pagtaas ng presyo ng diesel na ginagamit ng mga jeepney ang pangunahing dahilan sa pagbibigay ng provisional increase.
Noong Enero 2016 ang presyo ng diesel ay nasa P18.15 hanggang P21.65 kada litro malayo sa P31 hanggang P32 kada litro ngayong buwan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.