Ellen sa mga naglalaway, naglalandi kay Baste: ‘Goodluck na lang sa inyo!’

ellen adarna at baste duterte

MALANDI. Pokpok-ish. These are only two of several cruel adjectives attributed to Ellen Adarna, perhaps the most popular actress these days noong panahon nila ng Presidential Son na si Baste Duterte at ngayong break na sila.

Netizens and trolls alike have never been this fierce sa pamba-bash sa sexy actress kahit natuldukan na ang ilang buwan nilang relasyon ni Baste. Sa halip kasi na ikalungkot niya ang kanilang breakup, parang na-liberate pa siya. Pero kwidaw din daw sa girls na naghahabol sa kanyang ex-BF, she has nothing but “Good luck!” sa kanila.

Six or seven months nilang affair na umabot pa sa pagli-live in would barely leave a deep scar sa puso ninuman. At the onset ay alam naman ni Ellen na may GF si Baste at lumalabas na “the other woman” lang siya.

At dahil ‘yun ang kanyang status sa buhay, she knew where she stood sa listahan ng mga priorities ng kanyang minamahal na may two-year old son pa mandin.

Tama lang na kunwari’y unaffected ang hitad, na walang pilat ang iniwan ng kanyang failed relationship. That way, she’s still whole. Taglay pa rin ni Ellen ang kanyang self-esteem o pagpapahalaga sa sarili.

Siguro nga’y hindi biro ang maugnay sa anak ng isang lider ng bansa. While all eyes are on the President ay nakatuon din ang atensyon ng bayan sa anak nito as though it were a national issue.

Probably the most desirable and sought after man si Baste sa panahon ngayon. He may not possess drop-dead looks like the showbiz Adonises, pero may kakaiba siyang panghalina sa opposite sex (at sa mga beki).

In fairness though to Ellen, isa siya sa mga makatulo-laway nating aktres. Bukod sa sexy ay matalino pa. So that makes her at par with Baste, na dapat ding mag-“Good luck!” sa sinumang bubuyog ang sisimsim ng halimuyak nito after him.

Ang pinakamagandang paraan na lang siguro for Ellen to move on ay isiping totoo ang linya sa awitin ni Barbra Streisand na…”Some good things never lust”, este, last.

Read more...