Jenine Desiderio pinagbantaan ang lalaking nanliligaw kay Janella

janella salvador

NAKAKALOKA  ang tweet ni Jenine Desiderio about a guy na tila may gusto sa kanyang anak na si Janella Salvador.

She posted her opposition sa guy whom he described as “who looks & pretends to be decent but sneaks behind my back.”

“I am this close to revealing who you are. Straighten up & clean up your act or it’s the end of you,” tila pagbabanta pa ni Jenine.
May isang fan ang tila nakiusap kay Jenine na huwag nang i-tweet ang ganitong bagay.

“@jeninedesiderio wag sa social media nakaka nega.. think before you post medyo nakaka off sana masinsinang usapan na lang wag idaan sa ganto,” say ng isang fan.

“Hindi nyo kse anak ang nalalagay sa hindi magandang sitwasyon. Mabait pa nga ako hindi ko sya pinangalanan & i didn’t say what he did kundi masisira sya,” sagot pa ng isa sa cast members ng A Love To Last.

Actually, we understand where Jenine is coming from. Anak nga naman niya ang pinoprotektahan niya. It was just like her character in A Love To Last bilang isa sa mga kamag-anak ni Andeng (Bea Alonzo).

Ang hula ng marami ay si Elmo Magalona ang pinatutungkulan ni Jenine. But we doubt it. Napakabait na bata ni Elmo at mukhang wala siyang gagawing mali kay Janella.

Read more...