AMINADO ang talent manager-producer at “tatay” ng Eat Bulaga na si Tony Tuviera na talagang hinahanap na ng AlDub Nation sina Alden Richards at Maine Mendoza.
Hindi na regular na napapanood ang phenomenal loveteam sa noontime show nina Tito, Vic & Joey dahil super busy na ang mga ito sa taping ng kanilang launching series na Destined To Be Yours na magsisimula na ngayong February.
“Actually, talagang nabawasan talaga ang exposure nila (sa Eat Bulaga) kasi I understand nagte-taping sila three times a week. Lalo na ngayon na malapit na ang airing nila. Perhaps, eventually, after ng teleserye, ‘yun siguro ang time na babalik sila.
“But like I said, they will try to appear every once or twice a week. But definitely before the launch siguro, kokonti pa nang kokonti ang pag-appear nila sa Eat Bulaga,” ang pahayag ni Mr. T nang makachikahan ng ilang entertainment press kamakailan.
Malaki ba ang epekto nito sa rating ng Eat Bulaga? “So far, hindi naman talaga ano, kasi even before AlDub, we were doing very well. Kaya lang, when AlDub came in to the picture, ibang klase talaga ang nangyari. And we cannot really expect to be there palagi (mataas ang rating). And a lot of people are saying din na hindi tatagal ng three months ang AlDub.
“But look at them now, magtu-two years na sila sa July. So, I think, successful kami in a way na, na to let them stay there on a certain level. Nakakatuwa,” chika pa ni Mr. Tuviera.
Hindi naman nagrereklamo ang mga fans ng AlDub dahil hindi na sila regular na napapanood sa EB ngayon? “Naghahanap talaga ang mga fans. Kaya we try to make sure na dapat makita pa rin sila kahit once a week.”
Bukod sa teleseryeng Destined To Be Yours, pinaplano na rin ang follow-up movie nina Maine at Alden matapos ang matagumpay na launching film nilang “Imagine You And Me”.
Ang unang napabalita, ang Destined To Be Yours ang magiging Valentine offering ng GMA sa AlDub Nation, ngunit pa pa raw sigurado kung hahabol ito sa Feb. 13 airing. May chika naman na baka raw sa Feb. 20 or 26 pa ito magsimula. Hintayin na lang natin ang magiging announcement ng GMA tungkol dito.