Angel nalugi ng milyones dahil sa pinaputol na buhok

angel locsin

AYAW na raw ni Angel Locsin na paabutin pa sa korte ang nangyari sa kanyang mahabang buhok dahil sa ginawang tretament sa kanya sa isang salon.

Ayon sa panayam ni MJ Felipe na nakasama namin sa DZMM program last Friday, kinunan daw niya ng pahayag ang salon na nakadisgrasya sa hair ni Angel, pero up to that time ay wala pa silang pormal na natatanggap na formal complaint mula kay Angel.

“Siguro ayaw na lang ni Angel,” susog pa ni MJ sa aming talakayan dahil aniya, “Mukha namang natanggap na ni Angel yung nangyari.”

Sinundan naman namin ng tanong kung ano naman ang liability ni Angel sa ine-endorse niyang hair product (shampoo in particular) dahil sa pangyayari.

“Nakausap na ni Angel at naintindihan naman daw siya ng company,” sey ni MJ na nanghihinayang din sa mga oportunidad na nawala sa aktres dahil sa pagkasunog ng buhok nito.

Read more...