TINALAKAN ng fans ni Angel Locsin si Jessy Mendiola matapos ilabas ang interview ng una tungkol sa pagkalagas ng kanyang buhok na siyang dahilan kung bakit kinailangang gupitin ito.
Nasunog kasi ang hair ni Angel nang magpa-treatment ito sa isang salon.
Maaanghang na komento ang inilabas ng fans ni Angel na tinawag pang “ahas” si Jessy, huh! Modelo raw kasi ng salon na ‘yon si Jessy kaya ganoon ang nangyari kay Angel.
Chill lang naman si Jessy na walang reaksyon sa maaanghang na komento ng fans ni Angel laban sa kanya. Tama naman dahil wala namang pupuntahan kung papatol pa siya. After all, nasa kanya na ang ex-boyfriend ni Angel na si Luis Manzano, huh!
READ NEXT
Bayan bigo sa Edsa 1
MOST READ
LATEST STORIES