Sinibak ni Ombudsman Conchita Carpio Morales sa puwesto ang mayor ng Tuguegarao City sa Cagayan kaugnay ng pagbibigay umano ng pabor sa isang kompanya na magtatayo ng transport terminal.
Si Mayor Jefferson Soriano ay sinibak matapos na mapatunayang guilty sa administrative case na Grave Misconduct at Abuse of Authority.
Ang parusa kay Soriano ay mayroong perpetual disqualification na nangangahulugan na hindi na siya maaaring tumakbo sa eleksyon at kukumpiskahin rin ang kanyang retirement benefits.
Noong Oktobre 8, 2013 ay sumulat umano si Soriano sa mga operator at driver ng bus, van at jeepney upang bakantehin ang kanilang terminal at lumipat sa labs ng Poblacion.
Ang sulat ay batay umano sa Ordinance No. 02-97 na nagbibigay ng kapangyarihan sa city government na magtalaga ng parking area.
Noong Disyembre 20, 2013 ay nagpalabas naman si Soriano ng provisional permit to operate sa One Way Parking Terminal, Inc. Inendorso umano ito ni Soriano sa Sangguniang Panglungsod ang aplikasyon ng OWPTI para makapag-operate ng transport terminal.
“(Soriano) committed a corrupt act when he gave unwarranted benefit, advantage or preference to OWPTI through manifest partiality by issuing the provisional permit without prior ordinance and authorization from the Sanggunian,” saad ng Ombudsman.
Ayon sa Ombudsman hindi dumaan sa tamang proseso ang operasyon ng terminal dahil hindi muna ito kumuha ng legislative franchise mula sa Sanggunian.
“Soriano abused his authority and flagrantly disregarded established rule since he put the cart before the horse by issuing the permit without authorization by the Sanggunian,” ani Morales.
Ang Department of the Interior and Local Government ang inatasan na magpatupad ng pag-alis kay Soriano sa puwesto.
30
Mayor ng Tuguegarao, Cagayan sinibak
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...