Humina ang bagyong Bising at inaasahang malulusaw na, ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration.
Maaaring maging low pressure area na lamang ang bagyo ngayong araw habang papalabas ng Philippine Area of Responsibility.
Kahapon ng umaga ang bagyo ay namataan 595 kilometro sa silangan ng Catarman, Northern Samar.
Mayroon itong hangin na umaabot sa 45 kilometro ang bilis at pagbugsong 55 kilometro bawat oras.
Umuusad ito ng pahilaga-hilagang silangan sa bilis an 10 kilometro bawat oras.
Ngayong umaga ang bagyo ay inaasahan na nasa layong 700 kilometro sa silangan-hilagang silangan ng Catarman.
MOST READ
LATEST STORIES