Superlotto jackpot nasungkit sa Maynila

lotto for site

Isang mananaya sa Maynila ang nanalo ng P16 milyong jackpot prize ng Super Lotto 6/49 na binola Linggo ng gabi.
Ayon kay Philippine Charity Sweepstakes Office general manager Alexander Balutan ang nanalo ay tumaya sa Harrison Plaza, Mabini.
Siya ay tumaya ng standard pick o siya ang namili ng mga lumabas na numerong 3-10-13-25-19-15.
Nanalo naman ng tig-P9,810 ang 76 mananaya na nakalimang numero. Tig-P260 naman ang napanalunan ng 2,219 mananaya na nakaapat na numero at balik ang P20 taya ng 27,501 mananaya na nakatatlong numero.
Umabot sa P14.9 milyon ang halaga ng itinaya para sa naturang bola.
Ang Super Lotto ay binobola tuwing Martes, Huwebes at Linggo.

Read more...