IPINAG-UTOS ni Pangulong Duterte ang pag-aresto sa mga miyembro ng National Democratic Front (NDF) negotiating panel sakaling dumating sa bansa, kasabay ng pagtawag sa New People’s Army (NPA) bilang teroristang grupo.
“I don’t look upon the CPP and NDF as rebel organization anymore,” sabi ni Duterte.
Niliwanag naman ni Duterte na hindi siya magdedeklara ng all-out war laban sa NPA.
Inihayag ni Duterte ang pag-aresto sa mga NDF consultant matapos ang pagbisita sa burol ng tatlong sundalo sa 4th Infantry Division headquarters sa Cagayan de Oro.
Pinatay ang tatlong sundalo ng mga rebeldeng NPA noong Pebreo 1.
“Come home because you’re wanted and upon your arrival I will arrest you and place you back in prison. If you don’t want to go back, you’re fugitives. I will cancel your passports and I will inform the international police for an international warrant (for you),” dagdag ni Duterte.
Matatandaang katatapos lamang ng usapang kapayapaan sa pagitan ng gobyerno at NDF sa Rome.
Nauna nang ipinahinto ni Duterte ang usapang pangkapayapaan sa komunistang grupo matapos naman ang sunod-sunod na pag-atake ng NPA.