1 sa mga biktima ng sunog sa Cavite namatay sa ospital

Cavite-Fire-HTI (1)

NAMATAY ang isa sa mga empleyado ng House Technologies Inc (HTI) habang ginagamot sa isang ospital matapos ang napakalaking sunog na sumiklab sa pabrika ng isang Japanese company sa Export Processing Zone sa General Trias, Cavite.
Nasawi ang biktima na si Jerome Sismaet, 34, isang residente ng Maragondon, Cavite, habang ginagamot sa Divine Grace Medical Center sa General Trias ganap na alas-12:30 ng umaga dahil sa matinding pagkasunog na natamo, ayon kay Cavite Gov. Jesus Crispin Remulla.
Nagtamo rin si Sismaet ng bali sa katawan.

“He was a line leader, who stayed behind to let his people go out (of the burning building) first,” sabi ni Remulla. Idinagdag ni Remulla na karamihan na nasa kritikaal na kondisyon ay mga team leader.

Nasunog ang anim-na-etaryang gusali ng HTI, na naglalaman ng mga kahoy at mga madaling masunog na materyales para sa paggawa ng bahay noong Miyerkules ng gabi.
Mahigit 100 empleyado ang nasugatan at aabot sa mahigit P10 bilyon ang iniulat na pinsala sa sunog.
Sa isang hiwalay na panayam, sinabi ni Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon (CALABARZON) fire director Sr. Supt. Sergio Soriano, na sa kasalukuyan, walang indikasyon na may mga tao pang nakulong sa loob ng gusali, na inaasahang mapapasok ng mga imbestigador ngayong araw.

Read more...