Bagyong Bising liliko

pagasa

Hindi direktang tatama sa kalupaan ang bagyong Bising batay sa pagtataya ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration.
Sa halip na dumeretso ay inaasahang liliko ito papalabas ng bansa dahil sa Hanging Amihan.
Kahapon ng umaga ang bagyo ay nasa layong 400 kilometro sa silangan ng Surigao City. Napanatili nito ang lakas sa 45 kilometro bawat oras malapit sa gitna at umusad sa bilis na 55 kilometro bawat oras.
Umuusad ito sa bilis na 11 kilometro bawat oras patungong Hilaga-HIlagang Kanluran.
Ngayong umaga inaasahan na ang bagyo ay nasa layong 450 kilometro sa silangan ng Borongan City, Eastern Samar.
Bukas ang bagyo ay nasa layong 690 kilometro sa Borongan.

Read more...