Duterte kinastigo ang anak; Baste sumagot, 'Chill lang Pa' | Bandera

Duterte kinastigo ang anak; Baste sumagot, ‘Chill lang Pa’

Djan Magbanua - February 03, 2017 - 12:16 PM

KWELANG -kwelang sinagot ng presidential son Baste Duterte ang tila pagalit sa kanya ng ama. “I really love being his favorite son. Chill lang Pa, bulag na mi december pa, nakalimot lang ka giingnan taka atong new year naa ta sa balay ni mama,” ang sagot ni Baste sa kanyang tatay nang i-post ito sa kanyang Facebook account. Kasi nga di ba, sa isang event sa Davao nitong Huwebes, walang habas na binatikos ni Pangulong Duterte ang kanyang bunsong anak.  At ginawa ito sa harap ng maraming tao, na tila nagbigay ng konting “fun” sa mga nakikinig sa kanya. Sa isang speech sinabi ni President Rodrigo  Duterte na hindi na raw nabibigyan ni Baste ng oras ang kanyang pamilya, lalo na ang anak nito. “Ang isang bunso, isa pa ring tarantado. Hindi na umuuwi ng bahay. Sige lang doon kay Adarna,” ang sabi ng presidente habang tumatawa ang manonood. Obviously ang pinatutungkulan ni Duterteng si Adarna ay si Elen Adarna na recently claimed na break na sila ng presidential son. Kumalat ang balita na matagal nang magdyowa sina Baste at si Ellen, pero nagtapos ito nitong Disyembre lang. “Tinanong ko iyong apo ko eh. Kaya ko kinuha, nilagay ko sa bahay na maliit, iyong katabi lang din ng bahay ko… ‘Sinong mahal mo? Papa mo at pati mama mo?’ ‘Mama lang.’ It’s a tragedy. Magsagot ang bata ng ganoon,” dagdag pa niya. Pero umamin ang pangulo na siya man daw ay hindi naging close sa kanyang tatay noong nabubuhay pa ito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending