Horoscope, February 03, 2017

Para sa may kaarawan ngayon: Simulan ang araw sa panalangin at pagwi-wish. Okay ding magsuot ng kulay na red. Sa kulay na red at pagwi-wish magugulat ka, kusang matutupad ang iyong hiling bago sumapit ang ika-9 araw. Mapalad ang 4, 9, 25, 37, 38, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Omne-Mithi.” Bukod sa red ang green ay buenas.

Aries – (Marso 21-April 19) — Sa taong ito ng 2017 ang mga problemang darating ang magtutulak upang magpilit kang bumangon at magpayaman. Sa pag-ibig, ang tampuhan sa ngayon ay mapapalitan ng mas maalab na romansa sa kinabukasan. Mapalad ang 1, 10, 19, 22, 37, at 46. Mahiwaga mong mantra: “Om-Ne-Pad-Me-Om.” Beige at magenta ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20) — Hindi ba’t dati ka ng naging emosyonal, ano ang napala mo? Di ba’t pagluha at kabiguan. Sa panahon ngayon, isip at rason ang paganahin upang makamit ang kaligayahan at tagumpay. Mapalad ang 4, 6, 22, 31, 39 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Vajur-Om.” Pink at blue ang buenas.

Gemini – (May 21-June 21) — Sa sandaling naglaho na ang mga kaibigan, may isang maiiwan–ang mahal mo sa buhay. Sa lahat ng bagay tandaang walang ibang maasahan kundi ang kasuyo, mahalin mo siya nang walang pag-aalinlangan. Mapalad ang 7, 16, 25, 34, 43, at 48. Mahiwga mong mantra: “Hare-Krisna-Hare Rama.” Green at pink ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22) — Kung hindi kakalimutan ang mga nagdaang kabiguan, paano makapagsisimula ng bagong pagkakakitaan? Limutin na ang kahapon at magsimula ng bagong buhay ngayon! Sa pag-ibig, maghanap ng bagong kasuyo sa katauhan ng isang Scorpio. Mapalada ng 4, 15, 26, 34, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Nameh-Aum-Nameh-Om.” Beige at green ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22) — Sa taong ito ng 2017 sa pag-ibig at pinansyal, wag mong kontrahin ang paniniwala ng iyong kasuyo magkakagalit lang kayo. Sumunod ka sa kanya upang umunlad at lumigaya. Mapalad ang 6, 18, 26, 34, 40 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Babanam-Kebalam.” Yellow at red ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22) — Kung talagang mahal mo ang kasuyo, magsa-sakripisyo ka alang-alang sa kanya habang pinaglalaanan ng maraming oras ang mga bagay na mapagkakaperahan. Mapalad ang 3, 18, 27, 36, 45 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Vasudeva-Om-Vedanta.” Green at beige ang buenas.

Libra – (September 23-October 23) — Hindi mo ba naiisip na hindi laging masagana ang buhay! Simulan mo nang mag-savings, habang maalwan ang pasok ng salapi. Sa pag-ibig, habang pinagseselos ang kasuyo, lalo ka naman niyang mamahalin. Mapalad ang 3, 12, 21, 30, 37, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Visnu-Om-Purana.” Magenta at blue ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21) — Wag magtago sa dilim, sa taong ito ng 2017 ay lumabas ng bahay at ilantad ang iyong tunay na katauhan. Sa ganyang paraan, mas madali kang uunlad at liligaya habang buhay. Mapalad ang 6, 15, 23, 33, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Dhar-Masya-Sava-Om.” Silver at purple ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21) — Sa taong ito ay darating ang magandang kapalaran at mangyayari iyan kung uugaliing magsuot ng pink, red at lavender. Sa nasabing kulay mas madali kang magkakamit ng magagandang mga kapalaran. Mapalad ang 1, 5, 18, 23, 41 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Siva-Krisna-Om.”

Capricorn – (December 22 – January 19) — Susuwertehin ka sa pananalapi. Ngayon pa lang ilista na kung saan mo dadalin ang maraming pera na nakatakdang dumating. Sa pag-ibig, wag kalilimutang balatuhan ang kaibigang Taurus. Mapalad ang 6, 15, 24, 39, 42 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Krisna-Rama-Krisna.” Red at Green ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18) — Wag magtataray dahil sa bandang huli ay tatarayan ka rin ng kapalaran. Alalahanin ang lahat ay nadadaan sa magandang usapan. Sa pag-ibig, darating ang araw na gagantihan din ng tadhana ang mga kabaitan mong ipinagkaloob sa iyong kapwa. Mapalad ang 1, 10, 26, 35, 42 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Dosya-Om.” Green at orange ang buenas.

Pisces – (February 19 – March 20) — Ituloy ang binabalak na lakad. Sa taong ito ng 2017 lakad lang nang lakad hanggang makatalisod ng suwerte. Sa pag-ibig at pinansyal, habang nasa isang pagtitipon matutupad na rin sa wakas ang iyong pangarap at matagal ng inaasam-asam. Mapalad ang 9, 18, 30, 33, 39, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum.” White at silver ang buenas.

Read more...