Sinimulan na ang pagtalakay sa death penalty bill (House bill 4727) sa plenaryo ng Kamara de Representantes.
Unang nagbigay ng sponsorship speech si House deputy speaker Fredenil Castro upang bigyan ng katwiran ang pangangailangan na ibalik ang pinakamabigat na parusa.
“Kung wala ang kaparusahang kamatayan, hahayaan ba natin na pagpiyestahan ng mga salot na kriminal ang ating taong bayan, magpasasa sa paglabag ng ating bansa at kaayusan na walang pakundangan at kinatatakutan, bulabugin ang kapayapaan at tahimik at matiwasay na pamumuhay ng taong bayan?” ani Castro.
Binalikan ni Castro ang mga karumaldumal na krimen gaya ng upang bigyang katwiran ang death penalty.
“Kaya’t kung ang isang tao ay maging mapanganib at nakakahawa sa komunidad, sa kadahilanan ng ilang mga kasalanan, kapuri-puri at kalamangan na siya’y mamatay upang pangalagaan ang kapakanan ng lahat,” ani Castro.
Iginiit ni Castro na ang pagbalik ng parusang kamatayan ay para sa kapakanan ng komunidad.
“Gayunpaman, ang karapatang ito ay kabilang lamang para sa isang ipinagkatiwalaan sa pag-aalaga ng buong komunidad — katulad ng isang doktor na maaaring putulin ang isang nahawaang paa, dahil siya ay ipinagkatiwalaan sa pag-aalaga ng kalusugan ng buong katawan.”
Death penalty bill umusad na sa Kamara
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...