Ayaw sa gusto ni Duterte, mag-resign

rodrigo duterte

Dapat umanong magbitiw ang mga miyembro ng Gabinete na tutol sa mga posisyon ni Pangulong Duterte.
Ito ang sinabi ni House Speaker Pantaleon Alvarez pero hindi niya partikular na tinukoy kung sinong miyembro ng Gabinete ang kanyang pinatutungkulan.
“If they (cabinet) don’t agree with the President, they’re free to resign,” ani Alvarez. “Naging cabinet member  din ako. There were instances that I disagreed with the President but I kept quiet. Sarili ko na lang. Kung hindi kayang lunukin yan, resign ako.  Sabihin mo sa president, Mr. President tingin ko mali yung sinasabi mo. I am tendering my resignation. Ganun lang ka-simple.”
Isinusulong ng Duterte administration ang pagbaba ng criminal liability sa siyam na taon mula sa 15 taon upang hindi umano magamit ng mga sindikato ang mga bata.
Tutol naman sa panukalang ito si Social Welfare Sec. Judy Taguiwalo. Sa isang position paper, sinabi ni Taguiwalo na ang panukala ay “anti-poor” at hindi umano magreresulta sa pagbaba ng krimen.
Si Alvarez ay isa sa pangunahing may-akda ng panukala, na isang prayoridad ni Duterte.

Read more...