MATAPOS na gamitin ang Oplan Tokhang ng Philippine National Police ng mga tiwaling pulis para gumawa ng pera, ipinabuwag ni Pangulong Duterte ang anti-illegal drugs unit nito.
Isa itong malinaw na ebidensya na marami pa ring
Kahit na si PNP chief Bato dela Rosa ay nakaramdam ng kahihiyan kaya nag-offer kay Duterte na magbitiw sa puwesto matapos pumutok ang balita na sa loob ng Camp Crame pinatay ang negosyateng South Korean national na si Jee Ick-Joo na hinuli umano ng mga pulis gamit ang pekeng warrant of arrest.
Meron ding isang kaibigan si Duterte na hinuli ng mga nagpakilalang pulis at ipinatubos sa pamilya nito. Kung hindi umano magbibigay ang pamilya ay lilitratuhan ito kasama ang may 20 kilo ng shabu.
Marami ang umaasa na matutupad ni Pangulong Duterte ang pangako nito noong kampanya na susugpuin ang krimen.
Ang pangako laban sa ipinagbabawal na gamot ang pinakatututukan dahil ito ang sanhi o ugat ng maraming krimen.
Sinasabing malaki ang naging epekto nito sa resulta ng eleksyon.
Lahat ng mga kalaban ni Duterte ay nangako rin naman na sosolusyunan ang problema, pero iba ang dating nang si Duterte na ang nagsabi nito. Ramdam na kaya niyang gawin ang trabaho.
Lumagpas man sa kanyang mga naunang kanyang self-imposed deadline, marami pa rin ang umaasa kay Duterte na matutupad niya ito.
Inamin ni Duterte na nabulaga siya sa lawak ng problema.
Agad namang umarangkada ang kampanya ni Duterte. Maraming user ang sumuko at nangako na magbabago at marami ring
Gaya ng maraming programa ng gobyerno, nadungisan din ang kampanya laban sa droga.
Nariyan ang isyu ng extrajudicial killings at ang mga kuwestyunable umanong pagpatay ng mga pulis sa mga suspek na ‘nanlaban’.
At nasundan ito ng paggamit sa operasyon ng pulis para gumawa ng pera. Naging malaking balita ang “tokhang-for- ransom”.
Isa na naman itong hamon sa liderato ng PNP. Kung kailan umaangat na ang tiwala sa kanila ay biglang may ganitong balita—biglang bagsak na naman.
Ang nakapagtataka ay parang walang takot ang mga pulis sa paggawa ng pera. Hindi nila nararamdaman ang takot kina Duterte at dela Rosa na nararamdaman ng mga pusher at user.
Ang akala siguro nila, poproteksyunan sila ni Duterte kahit mali ang kanilang ginagawa.
May punto si Duterte nang hindi niya tanggapin ang pagbibitiw ni PNP chief.
Kung sisibakin niya ito ay wala naman umanong mangyayari. Hindi pa rin titigil ang mga tiwaling pulis.
At sa ikalawang pagkakataon na ibinigay ni Duterte kay dela Rosa ay umaasa ang marami na gagawin niya ang kampanya laban sa mga tiwaling pulis gaya nang sigasig nito laban sa mga pusher at user.
Kung mabibigo si Duterte sa kampanya laban sa droga, ang isyu na nagpanalo sa kanya ay baka siya ring
Pero aminin natin, hindi talaga basta-basta ang kampanya laban sa ipinagbabawal na droga.