Tanduay Rhum Masters tinambakan ang Wangs Basketball

Mga Laro Ngayon
(Ynares Sports Arena)
3 p.m. Batangas vs Victoria Sports
5 p.m. Racal vs AMA
Team Standings: AMA (2-0); JRU (2-0); Racal (1-0);  Cignal (1-1); Café France (1-1); Tanduay (1-1); Wangs (1-1); Victoria (0-1); Batangas (0-2); Blustar (0-2)

MATINDING buwelta  mula sa kabiguan ang isinagawa ng Tanduay Rhum Masters matapos nitong durugin ang  Wangs Basketball, 94-81, sa kanilang 2017 PBA D-League Aspirants’ Cup elimination round game Lunes sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Nakamit ng Rhum Masters ang kanilang lakas sa ikalawang hati matapos ihulog ang 13-4 atake upang agad tapusin ang laro sa ikatlong yugto pa lamang sa pagkapit sa 77-61 abante.

Iniangat pa ng Rhum Masters ang abante sa 22 puntos, 84-62, mula sa isang tres ni Paul Sanga sa natitirang 8:22 ng laro.

Pinamunuan ni Mark Cruz ang Tanduay na may 27 puntos at tatlong rebounds habang si Bong Quinto ay may 14 puntos, anim na rebounds at limang assists sa panalo.

Nagdagdag din si Raphy Reyes ng 13 puntos at limang assists habang si Dave Moralde ay may 11 puntos para sa Rhum Masters na nakabawi sa kanilang 67-83 kabiguan sa Café France Bakers sa pagsisimula ng torneo.

Sa ikalawang laro, pinatumba ng Cignal-San Beda Hawkeyes ang Café France, 88-74.

Read more...