KAPAG ba sinabi naming hindi kami natuwa sa naging sagot ni Maxine Medina sa Miss Universe 2016 kahapon, ibig bang sabihin bina-bash namin siya?
Hello! Kitang-kita naman ng buong mundo kung paano niyang sinikap na lumaban, pero feeling namin, nasobrahan ang confidence niya kung hindi man siya umaarte na kunwaring hindi kinakabahan.
But when she reached the top six, in time for the Q&A, at meron siyang interpreter, du’n namin na-prove na mayabang ang ating Philippine bet.
Pasensya na po, pero pinagmukha lang niyang engot ang mamang nagsumikap na isalin sa Tagalog ang tanong and yet, she answered it in English at bukod tanging “maraming salamat po” ang tinuran niyang Tagalog words.
Yun na sana ang perfect chance niya to show the universe how beautiful our native tongue is at mas na-promote pa nang todo ang bansa natin at para hindi lang “mahal kita, salamat po at mabuhay” ang mga salitang natututunan ng mga foreigner sa atin. Naman, naman, naman!
Nakita rin namin ang katigasan ng ulo nitong si Maxine na noon pa nga pinapayuhan na sumagot sa Tagalog para mas mai-express ang kanyang sarili.
Sinasabi ng mga fanatic na walang tama o maling sagot sa isang beauty pageant, pero naku naman, sandamakmak palang tanga ang mga judge para humusga pa sila at pakinggan o suriin ang mga tinatanong na kandidata?
OA din kasi ang mga Pinoy sa pagpapaasa sa ating bet, noh! Kaya hayun, pinatunayan lang ni Maxine sa buong universe na….hay!!!
Kitang-kita natin na naging wise tactic din ng mga pumasok sa Top six finalists (hanggang sa Top 3) ang pagkakaroon ng interpreters dahil nabibigyan pa sila ng kaunting time para mag-isip at makasagot nang bonggang-bongga!
Hmp! All along, tama pa rin ang ating all-time favorite Miss Universe na si Ms. Gloria Diaz!
q q q
Kahit ngayong tapos na ang Miss Universe 2016, matagal-tagal na namang magiging topic ito, lalo na ng ating mga kapwa beshie.
Aliw na aliw tayo sa production and entertainment values ng show. Havey na havey si Steve Harvey as host na lumabas ang pagiging natural comedian.
Nagawa nga nitong mag-apologize uli sa mga Pinoy sa nagawa nilang pagkakamali noong manalong Miss Universe si Pia Wurtzbach noong 2015.
During the contest, he still managed to crack joke at nakikipagsabayan pa sa mga kandidatang sa kanya’y nakikipagkulitan. Tawa kami nang tawa sa part na magkasunod niyang tinawag sa top 9 sina Colombia at Philippines! Hahahahaha.
Then nu’ng mag-announce na ito kung sino ang bagong Miss U ay bigla siyang nilapitan ni Pia at binigyan ng eyeglasses to make sure na tamang bansa ang maibabandera niya. At si Miss France Iris Mittanaere nga ang kanyang tinawag bilang 2016 Miss Universe!
Noong 1950’s pa pala huling nakakuha ng title ang France kaya for sure, mamahalin tayo ng mga Pranses sa bagong korona at karangalan na nakuha nila sa ating bansa. Kaya tara na kapatid na Ervin at mga ka-BANDERA, gorah na tayo sa Fransya! Ha-hahahaha!