GM Wesley So kampeon sa Tata Steel Chess Masters

Final Standings (after 13 rounds): So – 9 points; Carlsen – 8 pts; Adhiban, Aronian, Wei – 7.5pts;  Karjakin, Eljanov -7 pts; Giri – 6.5 pts; Harikrishna, Andreikin, Wojtaszek, Radoslaw – 6 pts;  Nepomniachtchi – 5 pts; Rapport – 4.5 pts; Van Wely – 3.5 pts

SINORPRESA ni Grandmaster Wesley So ang mga kalaban sa pagwawagi sa titulo ng prestihiyosong 79th Tata Steel Chess Masters na isinagawa sa Wijk aan Zee, Netherlands.

Hindi lamang sinungkit ni So ang kanyang unang pangkalahatang panalo sa Masters section ng Tata Steel chess tournament kundi naipamalas nito ang kakayahan na maangkin ang pinakamataas na puwesto sa buong mundo sa torneo na sinalihan mismo ng pinakamahuhusay na chess players.

Isang araw matapos mahirapan ang mga organizers na isulat ang mga scenario na posibleng maganap sa huling araw ng labanan, binura ito lahat ni So sa pagtala ng panalo kontra kay Ian Nepomniachtchi sa 28 moves ng Trompovsky Opening sa 13th at final round.

Itinala ni So sa pagwawagi sa torneo ang sarili nitong streak na hindi nabibigo sa diretsong 56 sunod na laban. Una itong nagwagi sa Sinquefield Cup noong Agosto 2016, tinulungan ang US Team sa Olympic team gold at nauwi ang individual gold sa Baku, Azerbaijan bago nanalo sa London Chess Classic at Tata Steel.

“The win in Wijk aan Zee meant a lot. Winning this tournament is huge, with the world champion in it. It’s a wonderful start [of] the year,” sabi ni So.

Huling solong nagwagi si So, na tumigil sa pag-aaral ng isang taon at iniwanan ang dating pederasyon nito sa Pilipinas upang bitbitin ang Estados Unidos, sa Bilbao, Spain. Tinalo ni So ang nakalaban na si Anish Giri ng Netherlands sa two-game blitz playoff para iuwi ang titulo ng Bilbao Masters noong Nobyembre.
Pumangalawa naman sa Tata Steel tourney ang world champion na si Magnus Carlsen.

Una nang tinalo ni So si Nepomniachtchi sa Baku Olympiad matapos magsimula ang Russian GM ng perpektong 7/7 record.

Read more...