Robredo dumalo sa Ledac sa Malacanang

robredo-duterte

DUMALO si Vice President Leni Robredo sa pagpupulong ng Legislative Executive Development Advisory Council (Ledac) sa Malacanang matapos naman siyang imbitahan ng Palasyo.

“Business as usual. President Duterte greeted her ad joked with her from time to time,” sabi ng isa sa mga miyembro ng Gabinete na dumalo sa Ledac.
Matatandaang nagbitiw si Robredo bilang housing czar matapos naman siyang sabihan na wag nang dumalo sa pagpupulong ng Gabinete.
Idinagdag ng opisyal na bukod kay Robredo, dumalo rin sina Senate President Koko Pimentel, Speaker Pantaleon Alvarez, Sen. Franklin Drilon, Sen. Vicente “Tito” Sotto at Sen. Ralph Recto.

Read more...