Hindi pinayagan ng Department of Education ang plano ng Department of Health na mamigay ng condom sa mga senior high school bilang bahagi ng paglaban nito sa paglaganap ng HIV-AIDS sa bansa.
Ayon kay Education Sec. Leonor Briones sinabihan na niya si Health Sec. Paulyn Jean Ubial na hindi papayagan ang nabanggit na programa.
“We analyzed ano ang role namin sa program na ito… because these children are minors. Kailangan ng parental consent sa mga ganyang issue,” ani Briones.
Nauna rito ay nakipagpulong si Briones sa DOH upang mas maintindihan ang programa at inamin na nababahala din siya sa pagtaas ng bilang ng mga kabataan na nahahawa ng HIV.
Ayon sa DoH, mayroong 38,114 kaso ng HIV sa bansa mula Enero 1984 hanggang Oktobre 2016.
Sa mga kasong ito 10,279 ang nasa edad na 15 hanggang 24.
Noong 2016 ay umakyat sa 26 bagong kaso ng HIV ang naitatala kada araw mas mataas sa isa bawat araw na naitala noong 2008.
Deped hindi pinayagan ang pamimigay ng condom sa eskuwelahan
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...