Duterte nag-isyu ng 24-oras ultimatum kay Dumlao; wanted dead or alive ‘pag di sumuko

NAG-isyu ng 24-oras na ultimatum si Pangulong Duterte kay Supt. Rafael Dumlao, suspek sa pagpatay sa Koreanong negosyanteng si Jee Ick-joo sa loob ng Camp Crame.

Ito ay matapos umalis sa kostodiya ng pulisya si Dumlao Sabado.

Sa ipinatawag na command conference ni Duterte sa Malacanang Linggo ng gabi, nagpasya ang pangulo na bigyan pa ng oras si Dumlao na sumuko sa loob ng 24 oras.

Ayon kay Duterte, magpapalabas siya ng P5 milyong reward para sa ikadarakip ni Dumlao, buhay man o patay.

“Pag di ka lumutang, pu….aaa ka Dumlao, patungan kita sa ulo ng P5 milyon,” ayon kay Duterte sa ipinatawag nitong press conference bago maghatinggabi ng Lunes.

“Sayang ka Dumlao, abogado ka pa naman.  mabyuda ang asawa mo, mawalan ng tatay ang anak mo,” dagdag pa ni Duterte.

 

Read more...