Hiling ng kinikilig na fans: Pagsamahin sina Maine at Coco sa pelikula

 

NA-AMUSE kami when some fans of Maine Mendoza were excited nang i-like diumano ni Coco Martin ang picture ng idol nila sa Instagram account.

Nagbunyi ang fans ng dalaga, tuwang-tuwa sila sa gesture ni Coco. Actually, to be blunt about it, kilig na kilig sila.

Anyway, sa sobrang excitement ng minions ni Maine ay may nag-suggest na magtambal ang dalawa.

Baka raw puwedeng makagawa sila ng movie together. Ang dami tuloy umasa.

We’re quite certain that a Coco-Maine movie will be a big hit. But we’re also quite sure na hindi i-yon magaganap agad-agad.

Ang alam namin, kulang sa oras si Coco sa paggawa ng movie. May nakakasa na siyang gagawing movie this year na balak niyang ipasok sa Metro Manila Film Festival.

Masyadong busy si Coco sa FPJ’s Ang Probinsyano na patuloy pa ring nangunguna sa ratings game.

May nabasa rin kami sa Twitter na chikang noong 2014 ay may movie raw na dapat gagawin si Alden Richards kasama ang Doble Kara star na si Julia Montes. Kaya lang, hindi raw pinayagan ng GMA 7 si Alden.

Was it just a coincidence na lumalabas ang chikang Maine-Coco movie and Alden-Julia film?

Well, hindi naman siguro. Nagkataon lang kasi ‘yung sa Maine-Coco film ay suggestion lang naman ng fans ni Maine. But what if magkatotoo nga. Ang ganda siguro noon.

Read more...