Ellen sa dahilan ng break-up nila ni Baste: Naku wag na, baka patayin niya 'ko! | Bandera

Ellen sa dahilan ng break-up nila ni Baste: Naku wag na, baka patayin niya ‘ko!

Ervin Santiago |January 29,2017
facebook
share this

Ellen sa dahilan ng break-up nila ni Baste: Naku wag na, baka patayin niya ‘ko!

Ervin Santiago - January 29, 2017 - 07:45 PM

ellen adarna at baste duterte

WALONG buwan ding tumagal ang relasyon nina Ellen Adarna at Baste Duterte. Ito ang inamin ng sexy actress sa presscon kahapon ng latest movie niyang “Moonlight Over Baler” na idinirek ni Gil Portes.

Sey ng Kapamilya sexy star mutual decision ang paghihiwalay nila ng presidential son kaya kahit nag-break na sila ay nananatili pa rin silang magkaibigan.

Ayon pa kay Ellen, pangsiyam na serious boyfriend niya si Baste at in fairness lahat daw ng ex niya ay kaibigan niya. Nasasayangan daw kasi siya sa pinagsamahan nila ng kanyang mga nagiging dyowa kaya mas gusto niyang maging kaibigan ang mga ito.

Inamin din ng dalaga na hindi raw siya sanay na nililigawan, “Kasi dati ako ang nanliligaw. Si Baste kasi sa Davao naka-base tapos pumupunta-punta na siya rito sa Manila. Then one time, sinabi niya sa akin na nililigawan niya ako. So, yun na!”

Marami raw qualities si Baste ang gustung-gusto niya isa na raw dito ang pagiging gentleman at thoughtful. Pero talagang hindi raw siguro sila para sa isa’t isa. Ang mahalaga raw, na-maintain nila ang kanilang friendship. Kasabay nito inamin ni Ellen na weird and funny ang naging break-up nila.

Nang tanungin kung bakit sila naghiwalay ni Baste? Nag-isip muna si Ellen sabay sabing, “Huwag na lang! Sa amin na lang ‘yun. Baka patayin niya ako! Ha-hahaha!”

Samantala, proud na proud si Ellen na napasama siya sa Gil Portes’ movie na “Moonlight Over Baler” na isang epic romantic drama na kinunan pa sa Baler. Imagine, isinantabi muna ng dalaga ang kanyang launching film para magawa lang ang nasabing pelikula.

Showing na ang pre-Valentine movie ng T-Rex Entertainment na “Moonlight Over Baler” sa Feb. 8 nationwide. Kasama rin sa pelikula sina Vin Abrenica, Sophie Albert, Elizabeth Oropesa at marami pang iba.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending