SA nakaraang talumpati ni Pangulong Duterte sa harap ng mga naulilang pamilya ng napatay na 44 miyembro ng Special Action Force (SAF), inihayag niya ang pagtatayo ng seven-man Commission na siyang mag-iimbestiga sa nangyaring operasyon sa Mamasapano, Maguindanao noong Enero 25, 2015.
Nabuhayan ang loob ng mga naulila ng SAF 44 na makakamtan din nila ang hustisya dahil tanging sina dating Philippine National Police (PNP) chief Alan Purisima at dating SAF head Getulio Napenas ang kinasuhan ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales sa Sandiganbayan.
Nagtatanong tuloy ang publiko kung tumatanaw ng utang na loob si Morales kay dating pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III kayat hindi siya kasama sa mga pinapanagot ng Ombudsman kaugnay ng karumal-dumal na pagpatay sa SAF 44.
Kung noon ay maaaring idahilan ng Ombudsman na hindi pa maaaring kasuhan si Aquino dahil may immunity ang isang nakaupong pangulo sa lahat ng mga kaso, wala nang dapat maging palusot si Morales kung bakit hindi isinama ang dating pangulo sa mga dapat papanagutin sa pangyayari.
Sa nangyaring paggunita sa ikalawang anibersaryo ng trahedya sa Mamasapano sa Malacañang, mararamdaman ng lahat ang tindi ng pighati na nararanasan ng mga naulila ng SAF 44 kung saan makalipas ang dalawang taon, hustisya pa rin ang kanilang ipinaglalaban.
Alam naman ng lahat na si Aquino ang nag-apruba at nag-utos kina Purisima at Napenas na ituloy ang “Oplan Exodus”.
At hindi lingid sa atin na sa kabila ng pagiging suspindido ni Purisima noon, binigyan pa rin siya ni Aquino ng kapangyarihan na pangunahan ang nangyaring operasyon at doon pa lamang ay dapat nang papanagutin si Aquino.
Bukod pa rito, hindi maaaring gumawa ng plano si Purisima laban sa teroristang si Marwan na may $5 milyong nang walang nalalaman si Aquino.
Hindi pwedeng ipatupad ni Napenas ang plano para sa operasyon ng Mamasapano nang hindi ito pasado sa dating pangulo.
Batid naman ng lahat na si Aquino ang nagtalaga kay Morales bilang Ombudsman at tanong tuloy ngayon ng mga naulila ng SAF 44 ay kung ginagawa bang sacred cow ng huli ang dating pangulo bilang pagtanaw ng utang na loob?
Kayat sa muling
Dapat ay bilisan na ang pagtatayo ng SAF 44 Commission upang magkapagsagawa ng malaliman at independiyenteng imbestigasyon hinggil sa palpak na operasyon sa Mamasapano.
Sa mga nakaraang pagdinig ng Senado at PNP Board of Inquiry (BOI), natukoy na may direktang pananagutan si Aquino matapos namang labagin ang chain
Sa pahayag ni Aquino kung saan sinagot niya ang mga paratang ni Duterte matapos siyang idiniin sa Mamasapano, kapansin-pansin na si Napenas pa rin ang idiniin ng dating pangulo at ni hindi man lamang niya nabanggit ang pangalan ni Purisima na alam naman ng lahat na malapit sa kanya.
Bagamat itinanggi ni Aquino na may papel ang Amerika sa nangyaring operasyon, dapat na imbestigahan pa rin ng Commission ang naging papel ng Central Intelligence Agency (CIA) matapos na ring
Sa gagawing pagbubukas ng imbestigasyon ng Commission, umaasa ang lahat na sa susunod na paggunita ng pagkakapatay sa SAF 44, makakamit na rin ang hustisya para sa kanila.