Chavit Singson tuloy lang ang pagwawaldas ng dolyares sa Miss U, di na umaasang makakabawi

chavit singson

MALAKI na rin ang itinanda ng mga itsura ng former Miss Universe winners na sina Sushmita Sen at Dayanara Torres, na nasa bansa na ngayon dahil uupo silang mga hurado sa grand coronation night ng Miss Universe bukas.

Kilala pa rin si Dayanara ng mga Pinoy at patunay nga rito ang naging mainit na pagsalubong sa kanya sa NAIA kamakailan.

Sa dami ng past Miss Universe winners na magiging hurado sa darating na koronasyon, kasama na ang first ever Miss Universe noong 1952 na si Armi Kuusela, masasabi nating isa na marahil sa pinakabongga ngang staging ng Miss U ang magaganap sa bansa natin.

Balita ring milyun-milyong dolyares pa ang inilabas ni Manong Chavit Singson nitong mga nakaraang linggo bukod pa sa nauna na niyang ginastos. Wala naman daw reklamo ang dating governor dahil tuwang-tuwa at satisfied daw ito sa world-reception ng Miss Universe. Positibo rin daw si Manong na babalik ang gastos nila sa pamamagitan ng paglago ng turismo sa bansa.

Sa dami ng nababasa naming comments online at sa iba’t-ibang international sites, walang dudang aware na aware na nga ang buong mundo sa mga kaganapan sa Miss U this year.

Read more...