Horoscope, January 28, 2017

Para sa may kaarawan ngayon: Sa taong ito hindi dapat maging magastos. Huwag bumili ng mga bagay na hindi kailangan. Sa ganyang paraan mas madali kang makaiipon ng pera. Sa pag-ibig, matutuwa ang kasuyo, sa sandaling malaman nyang marunong ka nang magtipid. Mapalad ang numerong 3, 15, 28, 31, 33 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum.” Yellow at apple green ang buenas.

Aries – (Marso 21-April 19) — Sa isang pagtitipon may pagkakakitaang mabubuksan, sunggaban mo agad. Sa pag-ibig, isang Sagittarius ang magpapa-cute sa iyo, puwede na syang pagtyagaan, tutal malapit na ang Valentine’s day. Mapalad ang 3, 12, 18, 25, 34, at 44. Mahiwaga mong mantra: “Agara-Sandhapa-Coronaria-Om.” Red at pink ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20) — Pagdating sa kaibigan, ikaw ang pinakamapalad, iniisip mong marami kang mga tapat at mabuting kaibigan, subalit dapat ka pa ring mag-ingat, isang kaibigang Leo ang manloloko sa iyo. Sa pag-ibig, isa lang ang dapat mong pagkatiwalaan ang kasuyong Virgo. Mapalad ang 5, 14, 23, 32, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Salva-Me-Om.” Red at purple ang buenas.

Gemini – (May 21-June 21) — Maaari nang magkatotoo ang iyong mga pangarap basta ’wag ka lang magpabago-bago ng isip. Mag-concentrate sa dalawang gawain lamang – pagkakamal ng maraming pera at maligayang pamilya. Mapalad ang 3, 18, 27, 34, 40 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Om-Dhipana-Om-Bodhana.” Violet at blue ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22) — Kailangan ang pagmamahal mula sa opposite sex. Kapag kasi may muling dumating ‘wag ka nang maging pihikan, sunggaban mo agad. Sa Valentine’s day na darating aanhin ang maraming salapi kung wala ka namang special someone? Mapalad ang 2, 7, 20, 25, 34, at 44. Mahiwaga mong mantra: “Om-Minna-Om-Galla.” Green at yellow ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22) — Bago magpasarap, unahin muna ang trabaho at responsabilidad. Kapag natapos na ang lahat ng gawain, mas masarap nang mag-relaks at magpabandying-bandying na lang. Sa pag-ibig isama ang kasuyo sa binabalak na pamamasyal. Mapalad ang 5, 9, 18, 27, 33, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Om-Shiva-Om-Durga!” Green at white ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22) — Kahit na sobrang busy maglaan ng oras para makausap ang minamahal upang lalong tumibay ang relasyon, alalahanin mong malungkot mawalan ng love life sa nalalapit na Araw ng mga Puso. Sa pinansyal, wag hayaang sumama ang loob ng isang kaibigang Taurus nang dahil na naman sa pera. Mapalad ang 6, 19, 21, 27, 38, at 44. Mahiwaga mong mantra: “Om-Ne-Pad-Me-Om.” Pink at yellow ang buenas.

Libra – (September 23-October 23) — Sa taong ito umiwas sa mga intriga dahil ito ang sisira sa iyo at magbibigay ng malaking problema. Sa pinansyal wag ikalungkot ang kawalan ng salapi, dahil pagpasok ng buwan ng Pebrero, kusang gaganda ang pasok ng pera. Mapalad ang 5, 14, 23, 32, 33, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Yod-He-Vau-Weh.” Blue at silver ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21) — Ganon talaga ang pag-ibig, kahit ilang ulit at ilang beses ka pang masaktan, siya pa rin ang itinitibok ng iyong puso. Mag-ipon ka ng maraming pera at magpayaman, upang muling bumalik ang kasuyong Cancer. Mapalad ang 6, 19, 24, 34, 38 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Bhagava-Githa-Om.” Magenta at lilac ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21) — Wag magdamdam sa mga puna at pintas ng iba basta gawin mo lang ang alam mong tama at makikita mo sa bandang huli ikaw rin ang mananaig at magtatagumpay. Sa pag-ibig hinihintay ka na ng kasuyong Gemini. Mapalad ang 5, 17, 22, 32, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Arjuna-Govinda-Om.” Beige at pink ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19) — Ubusin ang oras sa paggawa ng mga bagay na pagkakaperahan, tangihan muna ang kasiyahan. Sa pag-ibig, ang ngiti ng kasuyo ay sapat ng magpapaligaya sa bawat araw. Mapalad ang 4, 18, 22, 31, 39, at 41. Mahiwaga mong mantra: “Om-Purana-Om-Padma.” Red at blue ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18) — Bigyan uli ng pagkakataon ang puso na magmahal. Tandaan mong mapasa iyo man ang lahat ng bagay kung basyo naman ang puso mo wala paring kuwenta ang buhay. Sa pinansyal ipamigay ang salapi sa mga mas nangangailangan upang makadama ka ng inner peace of mind. Mapalad ang 5, 7, 18, 27, 32, 41 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Apo-Roque-Apo-Roque.” Gray at lilac ang buenas.

Pisces – (February 19 – March 20) — Sa panahong ito higit mong kailangan ngayon ang suporta ng iyong pamilya. Sa pag-ibig, wala na talagang maaasahan pa sa kasuyong tamad palitan na siya ng isang Virgo. Sa pinansyal isang Virgo din ang makakatulong sa iyo. Mapalad ang 2, 7, 29, 37 40 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Hare-Krisna-Hare-Rama.” Pink at green ang buenas.

Read more...