Nangungulila sa Boyfriend

Sulat mula kay Kristine ng Dita, Sta.  Rosa, Laguna
Dear Sir Greenfield,
May boyfriend po ako sa ngayon ang kaso wala naman siya rito. Mag-iisang buwan na nang siya ay umalis. Ang sabi ng kapatid niya ay sumakay na raw ng barko. Ang problema hanggang ngayon wala pa rin akong natatanggap na mensahe o tawag man lang niya. Naisipan kong sumangguni sa inyo dahil kinakabahan akong baka may masama nang nangyari sa kanya. At saka ngayon ko lang po na-realize na mahirap po pala kapag wala sa tabi mo ang iyong boyfriend. Lagi ko kasi siyang nami-miss at naaalala sa bawat saglit at hindi mawaglit sa aking isipan. Babalik pa kaya siya at kami rin kaya ang magkakatuluyan. Hanggang kailan po kaya ako mag-iisa, inip na inip na kasi ako at parang hindi ko talaga kaya na wala siya sa tabi ko. Babalik na kaya siya upang sa kanyang pagbabalik ay magpapakasal na kami at hindi na muling magkakahiwalay pa habang buhay? March 7, 1991 ang birthday ko.
Umaasa,
Kristine ng Laguna
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Iisa lang ang malinaw at makapal na Marriage Line (Illustration 1. arrow 1.) sa iyong palad. Ibig sabihin malaki ang posibilidad na kung siya ang first love at first boyfriend mo ng seryoso at totohanan talaga at kung naipagkaloob mo na ang pagkababae mo sa kanya, malamang na sa bandang huli ay siya na rin ang makakatuluyan mo at makakasama sa pagbuo ng isang maligaya at pang habang buhay na pamilya.
Cartomancy:
Two of Hearts, Ten of Heart at Nine of Hearts ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing sa buwan ng
Setyembre o kaya’y Nobyembre sa taon ding ito ng 2017 ang kanyang balik, at sa kanyang pagbabalik, may dalang tagumpay sa larangan ng career at materyal na bagay. Ito na rin ang magi-ging simula upang ganap ninyong maiplano ang in-yong pagpapakasal.
Itutuloy

Read more...