8 sa 10 Pinoy nais iginiit ng PH ang karapatan nito sa South China Sea—Pulse Asia
WALO sa 10 Pinoy ang naniniwala na dapat iginiit ng gobyerno ang karapatan nito sa West Philippines Sea, ayon sa pinakahuling survey ng Pulse Asia.
Batay sa survey na isinagawa mula Disyembre 6 hanggang 11, lumalabas na 84 porsiyent sa mga tinanong nito ang pabor, samantalang tatlong porsiyento lamang ang hindi sang-ayon at 12 porsiyento ang hindi naman makapagdesisyon.
Pinakamataas ang nakuhang pagsang-ayon sa National Capital Region, na nakakuha ng 92 porsiyento, kumpara sa Mindanao, 87 porsiyento, Luzon, 83 porsiyento at Visayas, 77 porsiyento.
Nauna nang naglabas ng survey ang Pulse Asia kung saan sinabi ng mga tinanong na mas pinagkakatiwalaan nila ang United States, Japan at United Nations, kumpara sa China at Russia, na siyang kinakaibigan ngayon ni Pangulong Duterte.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.